4.20.2005

Simula ng magkasakit at ma-ospital ang daddy ko, para bang nagbago na rin ako... Di lang mga pananaw ko sa buhay pati na rin ang lifestyle ko. Para bang pati buhay ko nabago ng nangyaring iyon. Halos di ako pumasok sa opisina. Tuwing lunes ay absent ako samantalang lagi naman akong late sa mga natitirang araw. Ang lagi kong katwiran ay nasa kliyente ako nguni't ang totoo nasa bahay lang ako habang nanonood ng mga hiram na vcds o di kaya naman ay nagbabasa ng mga pocketbooks. Dalawang buwan na rin ako delayed sa aking trabaho. Pati nga din ang kapatid ko na kasama ko sa bahay ay nakakahalata na. Ewan ko ba na kahit na iuwi ko ang trabaho kapag kaharap ko na eh hindi ko talaga makayang simulan gawin. Wala akong gana... Gusto ko lang gawin ay yung mga bagay na hindi ako mag-iisip. Para bang napagod na rin ang isip ko kakaisip nang nasa ospital pa ang daddy ko.

Naisin ko man na magbakasyon muna ay hindi ko magawa. Kung bakit kasi naubos na lahat ng vacation leave ko gawa nga ng pagkakasakit ni daddy. Hindi ko naman pinagsisisihan ang pag-absent ko noon. Sana lang ay may natira sa mga leaves ko para makapagpahinga rin ang utak ko...

Ngayon, pinipilit kong simulan ang mga nakatambak kong gawain. Wala na kasi akong ibang magagawa dahil deadline na rin ng mga ito. Hindi lang mga managers ko ang naghahanap ng output ko, pati na rin ang aming partner. Saka nahihiya na rin kasi ako sa mga kasama ko sa trabaho. Baka kasi isipin nila, dahil lang sa naipasa ko na ang iba kong gawain ay hindi ko na tatapusin pa ang ilan sa mga ito...

Haay.. Buhay talaga. Para tuloy gusto ko na umalis at humanap ng ibang mapapasukan.. Pero alam ko sa sarili ko, umalis man ako ngayon dito ay hindi pa sapat ang naging paghubog sa akin.. Kung baga sa mangga ay hinog na pilit... nahinog sa kalburo...

Ayoko naman ng ganoon... Mas gugustuhin ko pa ring mahinog sa puno gaya na ng nakaugalian natin...

1 comment:

Cynthia said...

gryz, kamusta ka na? ngayon ko lang nabasa post mo. pasensya na at delinkwenteng kaibigan ako. anyway, ano nang balita sa yo? kamusta na rin papa mo? suggestion ko sa yo, magbakasyon ka, kahit 2 days from work, itaon mong thursday para long weekend ka na. para pagpasok ng monday, feeling refreshed ka na. ingat ka palagi. mwah!