6.21.2006

Domino Effect

Talaga yatang sadyan ganoon ang buhay. Kung kailan medyo maayos na ang buhay mo, at mayroon ka ng nakikitang direksyon, saka darating ang isang problema na kailangan mong pag-aralang mabuti. Kasi kahit papaano, maaapektuhan ang lahat ng taong nakapaligid sa iyo sa kung anuman ang gagawin mong desisyon. Siguro nga tama ang kasabihan na, "No man is an island". Sa tagalog, walang taong pwedeng mamuhay ng mag-isa. Pwera na siguro ang mga ermetanyo... Oo nga, lahat tayo may kanya-kanyang buhay. May kanya-kanyang pangarap... Pero sa araw-araw nating pamumuhay, sa lahat ng pang-araw-araw nating ginagawa, may mga bagay na dapat natin mabusising pag-isipan lalu na at marami ang maaaring masaktan o maapektuhan sa anuman ating gawin.

10.10.2005

Pananaw sa kahirapan

Minsan sa buhay ng tao, naitatanong natin sa ating sarili kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Parang dapat laging may dahilan ang lahat. Sa halip na ating tanggapin kung ano man ang nangyayari sa atin, humahanap tayo ng mga bagay, o mga tao na mapagbubuntunan ng kapalarang ating nakamit.

Lalong naghihirap ang mga mahihirap dahil sa kagagawan ng mga mayayaman na lalung nagpapayaman ng kanilang hanapbuhay. Marahil may katotohanan ang mga katagang ito, pero dapat bang hanggang doon na lamang ang mga bagay-bagay? Dapat bang tuldukan na ang lahat? Mali pa rin... Hindi ba dapat na isipin din natin na walang imposibleng gawin kung mayroon tayong pagsisikap at determinasyon sa ating buhay? Sige, inaamin kong masyadong idealistic ang pananaw na ito, pero gayunpaman may katotohanan pa rin naman ang mga ito, hindi ba? Dahil kung susuriin mong mabuti, lahat naman ng mga mayayaman na lagi na lamang nating sinisisi sa kahirapang dinaranas ng nakararami ay nagsikap din na makamit ang karangyaan na kanilang tinatamasa ngayon.

9.30.2005

Finding me...

I reached out for something to attach myself to and on that journey...
I found nothing..

Nothing to cling on to and nobody to hold me...

But in reaching out, in my effort to grasp anything, to attach myself,
I nevertheless found something that I was not looking for...

--- myself.

7.29.2005

i believe in dreams...


I believe in dreams...

And i believe in miracles...

I believe that toy balloons can reach and touch the moon...

6.02.2005

To stay or to move on...

I've been thinking kung talaga bang gusto ko ng umalis dito sa work ko. May dalawang taon na rin naman akong nagtitiyaga sa kakarampot na sahod na nakukuha ko dito. Although sobrang enjoy ako sa mga ka-trabaho ko kahit sa mga boss ko, sapat na bang dahilan yon para hindi umalis? Kung minsan kasi okay na rin naman yun mga job namin. Kung wala ka deadlines, nakukuha namin na manood ng sine kahit pa oras ng trabaho. Basta ba, hindi kami hahanapin ng mga boss para utusan o may ipagawa sa amin. Hindi ko rin naman masasabi na kahit na busy kami ay nawawalan na kami ng social life. Sa tingin ko nga ay mas okay pa ang mga gimmick namin dito kumpara sa ibang tao nagtatrabaho kung saan-saan lang. Napapagkasya naman ang kakarampot na sahod, yun nga lang may mga panahon na sa sobrang kasalatan ay nakukuha naming pag-tyagaang kaining ang mga de-lata. Syempre, hindi rin lahat ng luho mo sa katawan ay napapagbigyan namin. Maka-ilang beses sa isang taon, tuwing makatanggap ka ng "bonus" daw yun, dun ka palang makabili para sa sarili mo.

Okay rin naman ang mga kasama ko sa trabaho. Kung minsan pati mga boss ay nakikisama sa mga gimmick at biruan namin. Dahil halos pare-pareho lang kami ng edad o di kaya'y di kami nagkakalayo, ang mga hilig namin hindi rin naiiba sa hilig nila. Madalas kami kumain sa labas ng sabay-sabay, manood ng sine, mag-bowling, mag-videoke, mag-badminton. May mga oras din na wala kaming ginawa kundi magbiruan sa office. Sa area namin kasi ngayon mga girls [may sariling area ang buong tax na isolated sa audit =)Puro tax lang ang nandun pwera sa 2 directors ng audit] mayroon kami couch. Kahit yun mga boys na nasa labas ng room, pumapasok sa area namin para lang tumambay at mangulit. Mas marami nga kaming bonding moments sa 9th floor kaysa dun sa dati naming area. Kaya siguradong ma-miss naming lahat ang 9th floor lalu na't gawa na ang 7th floor at lilipat na raw kami sa isang linggo.

Pero bukod dyan, okay naman ang trabaho. "Challenging" kasi hindi naka-kahon katulod ng sa ibang department. Sa amin sa tax, halos buwan-buwan ay may mga bagong rulings, regulations na inilalabas ang BIR. Kaya kung hilig mo din lang ang magbasa at mag-aral ng mga bagong bagay, nararapat kang talaga sa tax.

Yun nga lang kapag sinabing deadline, deadline talaga. Kailangan mong mag-overtime (hanggang alas dose) o di kaya naman mag-overnight (datnan ka ng mga kasamahan mo na papasok na kinaumagahan) para lang matapos ang isang trabaho. Kahit na gaano ka ka-organize, kahit na gaano ka kagaling sa pag-manage ng sarili mong oras, kung matatagalan naman sa director mo ang report mo, mag-cram ka pa rin sa gabi ng inyong meeting kinabukasan. Ewan ko ba kung bakit kasi naging kultura na dito sa kompanyang ito ang pag-oovernight. Kahit kasi i-discourage sya ng mga partner, ganun pa rin ang suma-total kasi nga kung hindi man ikaw ang nag-cause ng delay ang in-charge/director mo ang may kasalanan.

Kung minsan makatagpo ka pa ng in-charge/director na iiwan ka sa isang engagement. Yun tipong ikaw na ang nagfi-field, sariling kayod mo pa mag-review ng report na ginawa mo. Ikaw pa rin ang mag-discuss ng mga findings mo sa kliyente. Sa umpisa, flattering kasi nagtitiwala sa yo yun in-charge/director mo na makiharap sa kliyente, pero sa bandang huli kung talaga susuriin mo, magsisimula kang magtanong sa sarili mo "Ano ng ginawa nya?" "Na-promote ba ako at ako na ang gumagawa ng dapat na trabaho niya?"

Meron din naman mga in-charge/director na kulang na lang na ipamukha sa yo na wala ka talaga ginawa. Wala kang silbi at wala kang natutunan sa tinagal-tagal mo. Pero kung titingnan mo hindi talaga niya binasa yun report mo. Ang ginawa lang nya ay mag-aksaya ng tinta ng ballpen at mag-comment na "Use standard discussion" na ginawa mo na lang. Nagtagal na nga sa kanya yun report mo ng ilang buwan, nakuha pa nya magcomment sa mga follow-ups nya sa yo na bilisan mo sa trabaho dahil long overdue na yun report. Sino ba naman tao ang magkaroon ng gana magtrabaho kung ganun ang magreview sa yo. Tapos lumalabas pa sa impresyon sa iyo ng partner, eh ikaw talaga ang may kasalanan. Ituloy mo pa kaya at tapusin yun report o iisipin mo na lang na sirain lahat pati yun softcopy? [Hindi ko naman sinira =) Tinuloy ko pa rin kasi alam ko ako rin mahirapan i-type lahat yun. Aba, 170 pages na rin yun report ha. Di biro magsimula ulit nun =)] Ang point ko lang, dapat pa kayang mag-stay ako dito?

Kasi kung aalis din ako dito, parang gusto ko pa rin na tungkol sa tax ang gagawin ko. Para kasing hindi ako talaga pang-audit. Ayoko nang nagco-compute ka ng roll-over, interest, depreciation. Sa tax kasi more on compliance kami. Mas marami ang pagre-research kaysa pagco-compute. Ang bulk ng trabaho namin ay ang paghahanap ng legal basis na magsu-support sa mga policies ng mga kliyente namin. Kaya lang bihira naman kasi dito ang mga kumpanya na may sarili ng tax department. Halos lahat ay naka-incorporate ang mga ganung gawain sa accounting department. May relative din ako sa New York na hinahanapan ako ng trabaho, pero hindi ko pa rin sure sa sarili ko kung talaga bang gusto kong lumabas ng bansa.. At kung lalabas man ako, handa ba akong mag-audit? Parang hindi rin...

5.24.2005

about my dad...

Tatlong buwan na rin ang nakalipas simula nun magkasakit at ma-ospital dad ko. Marami sa mga kaibigan ko ang nagtatanong kung ano ang nangyari. Masakit para sa akin ang balik-balikan pa ang karanasan ko nun mga panahong iyon. Kahit nga hindi ko ikwento, basta maalala ko lang kung ano ang pinagdaanan namin naiiyak na ko. Ngayon nga lang habang nagsusulat ako, sumisikip ang dibdib ko. Dahil hindi ko siguro nailabas lahat ng emosyong nararamdaman ko nuon, kaya siguro hanggang ngayon mahirap pa rin sa kin balik-balikan ang mga nangyari. Kaya parang sariwa pa rin sa kin ang lahat.Sa ngayon, may kaba pa rin ako. Marami pa rin kasing pwedeng mangyari. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Alam ko naman na walang ibinibigay na pagsubok sa atin ang Diyos na hindi natin kayang lampasan.

Sa mg a kaibigan ko at mga kakilala na gustong malaman ang mga pangyayari at ang pinagdaanan ko, pakibasa na lang ang mga sulat na pinadala ko noon sa ilan kong mga kaibigan. Pasensya na kung hindi kayo nakabilang sa mga nakabasa. Ayoko rin kasi ng maraming nagko-comfort sa kin. Mas lalu kasi akong pinanghihinaan ng loob. Mas lalu kong gusto umiyak na sa mga panahon na iyon, ay iniiwasan kong mangyari...


02/15/2005 04:52 PM First letter

Dito na lng po ako magkwento... Nagquit dad ko from smoking nun Jan. 28. Dati chain smoker sya, Ang kwento nya napanaginipan nya lola ko na ang sabi kung gusto pa nya mabuhay ng matagal magquit sya ng paninigarilyo at pag-inom ng kape. Ksi po, sa isang arw kaya makaubos ng 2 termos na kape (with lots of sugar!!!! Hindi equal =( Tapos Jan. 28, di na sya ngsmoke and inom ng coffee. Dun nagstart pumait panlasa nya. Yaw nya ng amoy ng usok, di na sya labas ng forecourt ksi mausok, mapait panlasa nya. Ang food intake nya puro fita na lng.. Tapos Feb 5, (di ako umuwi) hirap na sya huminga. Hanggang Monday (Feb 7), wla na sya lakas. Ngpa-dextrose na sya. Pero sa shell pa rin sya the whole day. Monday night magdamag sina mommy, daddy, and younger sis ko si shella na hindi nakatulog. Hirap na hirap na sya huminga. Hanggang sa naka-receive na ko ng text from shella sabi nga nasa hospital na sila. Di nga daw makahinga dad ko at sya mismo ang nagpadala sa hospital. Kaya napauwi ako. Ksi di po gawain nun ang magpadoctor. Kulang na lng hatakin nmin sya papunta hospital para sa yearly check-up nya for blood sugar. Nwei, un na nga, Naconfine sya. Initial findings nun cardiologist nya (friend and customer po ng dad ko) community-acquired pneumonia. Pero ang kutob ko na nun, withdrawal effects lng un from smoking. Tpos dating un cousin ko na doctor din and confirm nya un findings ng cardio. High blood sugar and pneumonia. Hanggang mgpa-xray... Diagnose naman na eh my tubig sa lungs kaya hirap sya huminga. Dun na ako nagduty sa hospital ng panggabi (start ng wednesday night). Ksi every night sya hirap huminga. Sa araw nakikipagkwentuhan siya sa bisita at kung minsan nga nag-aaway kmi dahil gusto nya lumabas ng kwarto at gumala. Kaya kung dun mo ibase parang di ka makakapaniwala na hirap sya huminga eh. Malakas din kumain. Normal ang blood pressure. Un nga lng naka-oxygen na din. at masikip ang dibdib nya kapag umuubo. Dun ko na-experience kung pano sya balisa matulog. Nakaupo sya natulog. At nun mga time na un, kinabahan na po ako. Ksi ngkwnto sya na mga patay ang nakikita nya kapag natutulog na sya. at ang sagot nmn nya balikan nyo ko after 10 years :-) Tpos kpg lagay ko un kamay ko sa harap ng ilong nya para itest kung my lumalabas na hangin, wla ako nararamdaman. Dun ko naisip na any moment pwede siya kunin. Takot ako nun ksi si shell lng ksma ko eh emotional na din. Gustuhin ko man umiyak hindi pwede.. Tpos thursday night, sabi ng cardio nya ngheart attack daw sya. Un palang hirap nya ng paghinga na may kasama ubo eh sign na ng heart attack. Dun naglambing ang dad ko, pinatawagan nya mom ko at kuya ko. Tpos natulog sya na nakasandal sa kin. Pareho kmi nakaupo. Si shell nmn eh naiiyak na din. Gusto ko tlga umiyak nun, kya lng di tlga pwede. Ksi ako kpg umiyak walang patid tlga. Kahit anu man gustuhin ko sumasakit lng dibdib ko. Dun ako ngpray na kung san na lng hindi na maghihirap dad ko. Ang prayers ko nga nun, kung maari pahiramin pa sya ng hininga. Ksi lam ko nmn na hiram lng buhay natin dito. Pero pray ko din na kung sa tingin Nya nagampanan na ni daddy mission nya dito, ok na din sa kin. Sabi ko nga, ako ng bhla magtuloy. Tlga prepare ko na sarili ko.. Hanggang ngayon nmn open ako sa ganun. Magiging masakit para sa kin, pero di n nmn sya mahihirapan kaya ok na din. Kaya pasalamat ko tlga nun mahimbing sya matulog ng 4-5am. Dun ako ngdecide na kahit nu mangyari, buo na ang decision ko. I'll be working for my dad or I'll be working with him. :-) At hindi na katulad ng dati. Bukal sa loob ko ang decision na un. :-) Hindi ako na-force dahil sa situation nya at dahil sa responsibilities, tlga lng gusto ko gawin un. :-)

Balik tayo sa kwento :-) Friday night nmn, si mommy lng ngbantay. Ksi si kuya kylangan mgreport sa work ksi my training sila ng saturday sbihin nya na di sya attend. Ako nmn balak ko luwas ng manila ng saturday kya sabi ko tulog n lng ako. S syel nmn naka-sked un special exam nya for midterms. Pero nun 10 Tpos saturday morning, dumaan nga ulit un cardio, sabi lng nmn nya sa mom ko, lipat ng heart center. Pero tumaas na din blood pressure ni mommy 180/90. Punta n kmi sa heart center pero for second opinion pa lng.... to be continued n lng ha..

Pero now wla na ko masyado worry. Ksi ok n nmn sya eh, di na sya naka-oxygen at di na masakit un dibdib nya pgumuubo.... :-) We're still praying though na sana di ganoon ka-grabe un bara sa puso nya pra medication na lng. KUng medication n lng ksi, pwede n kmi umuwi sa saturday :-) Please help us pray... :-)



02/20/2005 01:22 PM 2nd letter

As i wrote in my first letter, I thought everything is going to be fine...Akala ko tlga makauwi na kami by saturday... Kasi ngimprove tlga sya. From day 1 sa ER hanggang nun thursday night (Feb. 17)... Sobrang saya ko. Ksi dahil regular ako sa hospital nakita ko ang improvements sa kanya.. Heart rate and blood pressure is really normal...

...Feb. 12 sa bulacan, un cardio nya dun si Pesebre told us that my dad is candidate for by-pass. Dr. PEsebre contacted his associate Dr. De la Paz para sa operation kaagad. DI kmi pumayag. My Tita Mori (kapatid ng dad ko who's with us and her family) contacted her friend. Tpos nagparecommend sya dun sa doctor nun friend nya na taga- sa amin din. Ksi un, in-advice din ni Pesebre na mg-undergo ng bypass. Tpos pumunta sya sa heart center and she met Dr. Flores who gave her medication para di na sya magundergo ng operation. In short, before we left bulacan, everything is settled. Dr. Flores will meet us at the ER.

Feb 12 1 pm we arrive at the Phil. Heart Center (PHC). Ngmeet n lng kmi dun ng brother ko dahil pumasok nga siya ng friday night. . his attending cardiologist sa heart center (PHC) si Dr. Flores ang gusto ICU. My brother and Tita MOri asked kung bakit eh malakas nmn ang dad ko. Nakakalakad nmn sya at very conscious. Ang sabi sa brother ko, para daw closely monitored ang health nya.. Sa akin ok lng nmn. Mas gusto ko nga un eh. Pero dahil walang available rooms sa PHC, kailangan nmin mghintay sa ER. Umuwi sila kuya ng bulcan to get our things at para na rin kunin un results nun exam n ginawa nya ng friday. Umuwi na rin family ng tita ko... Pero nun tawagan ko after 4 hours, my mom answered the phone and said that my kuya is sleeping. Pinatulog muna nya dahil puyat at ngwork nga ng friday... Nagalit ako nun.. Ksi hinihintay din ng doctor nya un results ng exam. At dun magbase kung pwede kmi mgprivate room. Eh kmi dalawa lng ni shell ang naiwan s PHC... dahil sa sobra tgal nila at inip na din dad ko sa kakahintay ng ER, ngsabi sya sa kin na gusto na nya umuwi... ayaw n ng dad ko. Ang nangyari pla, 2 un nmatay sa ER while he's there. Di nya nmn nakita kung pano nmatay pero he can hear the wails of the family members nun namatay... Ayaw na daw nya, gusto n nya umuwi.. So i suggested na twagan ko un cousin ko na doctor and asked him kung may iba sya kilala na cardiologist sa makati med, or st. luke's... Dalwa lng option ko ksi lam ko ito lng un complete tlga ang facility para sa my heart problems. AFter ko sya pakainin, i asked shell na sya muna ang magbantay at tawagan ko nga cousin ko. in short, before dumating sila kuya naayos ko na un transfer ni daddy sa st. luke's.. My ambulance na at meron na din reserved room sa st. luke's.. Pati un cardio na recommended ng cousin ko hinihintay n kmi sa ER ng st. luke's. So hinintay ko n lng pagdating nila mommy para sabihin sa knila. Pagdating nila ng 10pm, ayaw pumayag ng mom ko. Ksi raw si Dr. Flores, ngrecommend dun sa isang kababayan nmin na medication n lng un gawin sa heart nya. Baka daw ksi un malipatan nmin sa st. luke's eh irecommend kagad ang bypass eh di nmn pla kylangan. Sympre sya pa rin masunod, dad ko nmn pumayag na rin... inabot kmi ng sunday nasa ER pa rin kmi. Pero nun Sunday morning, ok n ky Dr. Flores, na sa private room si daddy. Pero waiting din pla kmi. Wala na din available rooms... Pgdating ng 9pm, meron n daw. at sa Pedia ward nga kmi. 4 beds sa 1 room. Pero ok na din sa min, ksi at least natanggal sya sa ER. SUnday night, ngblood transfusion sya. Ewan ko, natakot ako nun.. Ksi bakit mgblood transfusion? wala man lang advice sa min un cardio nya. Tawag ako dun sa cardio, sabi mababa daw un RBC nya kaya kylangan tlga mgsalin ng dugo.. Kaya pumayag na din ako... Ako ang magdamag na ngbantay... Hanggang sa monday ok na sya... ANg heart rate nya from 96 sa bulacan naging 84.. Naging near normal... Kya sa kin ok na din na nghintay kmi.. Ksi my improvement tlga...

Hanggang sa bumuti na nga sya... Tuesday di na sya nag-oxygen... Hinahanap na dn nya un mga gusto nya food, Max's, kare-kare, balot sa puti, leche flan.. . Tlgang ok n sya.. pero ang gusto ni Dr. Flores, mg angiogram sya ng friday... Tpos friday, si kuya ang nakipagusap sa cardio. Un na nga, ang result 3 veins nya un barado... Isa dun major vein natin sa heart. Tpos meron na din sya putol na ugat. Bypass operation... Grabe!!! Pra akong binuhusan ng napakalamig na tubig!!!! Tlga literal na nanghina ako... Nabagsak ko pa un cell ko nun sabihin sa kin ni kuya.. Ksi ok nmn ang blood pressure at heart rate nya. Pati ang ECG nya. un nga lng my nakita sa 2d ecko nya at sa angiogram... Sabi ko sa brother ko, wait nya ko before nya sabihn sa dad and mom ko... Dito ksi ako sa makati pinatulog dahil nacomplete sila 4 patients. Dati my 2 free bed at dun kmi natutulog... On my way there, dating din si shella. Di na pumasok sa school... Ang sabi ko sa kanila pakainin muna namin mom and dad ko bago namin sabihin... So kumain muna kmi ng lunch kataon nmn na nakatulog si daddy after lunch. Pinakuha ko muna BP ng mommy bago ko sabihin.. Kalmado nmn ang mom ko... ANg gusto nya tawagan nmin ang Tita Mori ko (kapatid ng dad ko na sumama sa min sa pgtransfer) at makipagusap sya ky dr. Flores. Ewan ko ba, tpos bigla sila ngdecide umwi lahat sa bulcan. Ang plan ako ang matitira sa hospital. Ang gusto pa mangyari ng kuya ko eh ako lng ang magsabi sa dad ko.. evening pa! Sya naman dating ng Tita Mori ko at cousin ko si Te LEs.. Dun di ko na napigil luha ko.. ANg bigat ksi ng pinagagawa nila sa kin... Sabi ko hindi ako matapang.. Nagtatapang-tapangan lng ako dahil lam ko my mom and my dad is really counting on me.. Kahit sa pakikipag-usap sa mga nurses and doctor ng dad ko, ako ang pinahaharap ng mom ko. Ewan ko ba parang feeling ko bigla ako naging 1st child. Ang hirap... Di ko tlga nakayanan, napaiyak ako sa cousin ko.. kaya hayun pinabalik ng cousin ko sina kuya tutal si kuya daw ang nakausap ng doctor.. PT un cousin ko kaya medyo my alam din sya.. Gusto nya malaman kung nu veins un my bara... At kung 3 un my bara kung lahat ba un iby-pass o susungkitin n lng un iba... Di rin naging malinaw. Ksi wla pla din sinabi si Dr. Flores sa kuya ko... Kaya ang napagkasunduan nmin si Dr. Flores ang magsabi sa dad ko. Si shella na lng ang umwi kasabay ng mga Tita ko..

Yesterday (saturday), Dr. Flores told my dad. He is very calm while the cardio is explaining things to him. Lahat nun 3 plus un naputol i-bypass.. Quadruple bypass ang gawin... Sabi nya normal na daw ang ganun cases... 1-3 % lang un possibility na hindi maging successful... Tpos dad ko na din ang nagdecide. ANg bilis-bilis tlga. Nagplan p sana kmi kumuha ng 3rd opinion kso dumating na un thoracic surgeon pati na un anasthesiologist. Kya na settled na din.. Sa monday afternoon un operation... My naka-standby din na kidney doctor in case magkaroon ng complication....

Please pray for my dad... Kung nun first letter ko sa kin ok na kunin sya, ngayon ayoko muna... Ksi nakita ko nmn na malakas sya eh... Kya nga hanggang ngayon parang di pa rin ako makapaniwala eh... Kala ko tlga kaya daanin ng gamot. But Im not losing hope. Kung nu pa rin ang plans ni LOrd para sa min. Willing naman ako tanggapin un. :-) Sana lang matanggap din ng family members ko kung nu man ang mangyari... Please pray for me too... Lam ko kailangan ko ksi maging matapang... My mom and especially my dad is really counting on me...Kapg nsa hospital ako lagi nga hwak ng dad ko kamay ko eh.. Hindi ko nga lam kung hanggang kelan ko makakaya to eh. Pero please help me pray... Unfair ksi kay shell kung di sya makagraduate ksma dad ko di ba... Para n lng ky shell ang pinag-pray ko... :-)

.
with my dad and my younger sister, Shella... a few hours before his operation...


@)>---------
Gryz

4.20.2005

Simula ng magkasakit at ma-ospital ang daddy ko, para bang nagbago na rin ako... Di lang mga pananaw ko sa buhay pati na rin ang lifestyle ko. Para bang pati buhay ko nabago ng nangyaring iyon. Halos di ako pumasok sa opisina. Tuwing lunes ay absent ako samantalang lagi naman akong late sa mga natitirang araw. Ang lagi kong katwiran ay nasa kliyente ako nguni't ang totoo nasa bahay lang ako habang nanonood ng mga hiram na vcds o di kaya naman ay nagbabasa ng mga pocketbooks. Dalawang buwan na rin ako delayed sa aking trabaho. Pati nga din ang kapatid ko na kasama ko sa bahay ay nakakahalata na. Ewan ko ba na kahit na iuwi ko ang trabaho kapag kaharap ko na eh hindi ko talaga makayang simulan gawin. Wala akong gana... Gusto ko lang gawin ay yung mga bagay na hindi ako mag-iisip. Para bang napagod na rin ang isip ko kakaisip nang nasa ospital pa ang daddy ko.

Naisin ko man na magbakasyon muna ay hindi ko magawa. Kung bakit kasi naubos na lahat ng vacation leave ko gawa nga ng pagkakasakit ni daddy. Hindi ko naman pinagsisisihan ang pag-absent ko noon. Sana lang ay may natira sa mga leaves ko para makapagpahinga rin ang utak ko...

Ngayon, pinipilit kong simulan ang mga nakatambak kong gawain. Wala na kasi akong ibang magagawa dahil deadline na rin ng mga ito. Hindi lang mga managers ko ang naghahanap ng output ko, pati na rin ang aming partner. Saka nahihiya na rin kasi ako sa mga kasama ko sa trabaho. Baka kasi isipin nila, dahil lang sa naipasa ko na ang iba kong gawain ay hindi ko na tatapusin pa ang ilan sa mga ito...

Haay.. Buhay talaga. Para tuloy gusto ko na umalis at humanap ng ibang mapapasukan.. Pero alam ko sa sarili ko, umalis man ako ngayon dito ay hindi pa sapat ang naging paghubog sa akin.. Kung baga sa mangga ay hinog na pilit... nahinog sa kalburo...

Ayoko naman ng ganoon... Mas gugustuhin ko pa ring mahinog sa puno gaya na ng nakaugalian natin...