10.29.2004

Haaayyyyy

Dumating na ba sa buhay mo, na malungkot ka ngunit di mo malaman kung saan nagmumula ang iyong kalungkutan? Marahil mayroon ka kahit na katiting na hinala, pero di mo pa rin matukoy ang puno't dulo nito. Ganyan ang nararamdaman ko ngayon. Malimit kong maramdaman ito nitong mga nagdaang linggo. Ewan ko ba, marahil sa dami lang talaga ng iniisip ko..

Unang-una na dyan ang aking trabaho. Bakit kasi nabigyan ako ng isang proyekto na hindi ko malaman kung bakit hindi matapos-tapos. Magdadalawang taon na rin ang trabaho kong ito. Ang dami kasi pasikot-sikot. Bukod pa dyan, ito kasi ang una namin tanggap ng ganitong klase ng engagement. Mahirap talaga. Trial and error ang nangyayari. Syempre, nandiyan din ang problema sa amin mga cliyente. Mahirap kasi kausapin. Bukod pa doon ang hidwaan sa loob ng kanila kompanya. Kailangan ko pang dumaan sa kung sino-sino para lang makausap sila. Haay...
Bukod doon, nariyan din ang iba ko pang trabaho. Dito naman sa amin, hindi nauubusan ng trabaho. Kung ang grupo ng audit ay may peak season, kami sa tax, wala. Walang pinipili. Suwerte mo kung matapat na wala kang trabaho ng christmas season at summer.

Pangalawa, tigang na tigang ako. Di ko malaman. Ayoko na ng ganitong sitwasyon. Gusto ko rin nman makadama ng kaginhawan... Gusto kong bumalik sa nakaraan at ibalik ang mga panahon nakalipas..

Pangatlo, parang di ko na kilala ang aking sarili. Marami akong ginagawa at sinasabi na para bang namumulos na lamang sa aking bibig. Di ko malaman ang aking gagawin. Minsan nga, mas nais ko pang tumahimik na lamang ng ako'y di mapulaan. Pero wala pa rin... Dahil kahit anong mangyari, hindi na makakalimutan ng mga taong nakapaligid sa aking kung anu man ang aking mga salitang binitiwa at mga kilos na ginawa.

Hay, pero kahit na alam kong ang mga ito'y nagdudulot sa akin ng lumbay,tiyak ko sa aking sarili na hindi ang mga ito ang sanhi ng aking kalunkutan..

Ikain ko na lng ito ng cake..

1 comment:

Cynthia said...

Hay, kung bakit ba kasi habang tumatanda tayo, lalong nagiging kumplikado ang mga sitwasyong nangyayari sa buhay natin. Hindi naman natin basta-basta pwedeng talikuran. Ganun ata talaga.

Pero alam mo, dapat talaga magbakasyon ka. Para makapagpahinga ka. Dalawang taon ka na ring nagta-trabaho, hinahanap na ng katawan mo ang pahinga. Huwag kang mag-alala, pag natuloy ka dito, ipapasyal kita sa Disneyland. :)

Ingat ka palagi ha. Mwah!!! Miss kita!!! Lab yu!!!